Eto nangyari s kin kahapon... dko n muna sinulat kc natulog ako ng
maaga pra makapagsimba ng maaga pero nabaliwala rin kc umulan at 3 pm n
lng kmi nagsimba. Ahihi. Well what can i do im so spiritual thank
u...watch out for my beatification in vatican.
~~~~~~~~
Minsan may mga araw na kung minalas ka eh mamalasin ka talaga. At ito
ang nangyari sa akin kahapon. Isang araw ng kamalasan. Masahol pa sa
friday the 13th. (Pero di nmn talaga ako minamalas sa friday the 13th
kc kadalasan eh birthday ko pa un pag sa july tumapat ehehe)
~~~~~~~~
Paggising ko pa lang alam ko na na this day is not for me. Refresher
class ko ngaun sa experts, 8 am ang umpisa, 8:30 ako naggising. Saya.
Ligo na agad, unting kain, bihis, tapos. Hingi kagad ng baon. Nakaalis
ako 9 o'clock na. Alam ko na na malas ako ngaun, pero ang di ko alam eh
wala pa to sa appetizer.
Medyo nabwisit ako sa refresher, kc ambaba ng mga nakuha ko. Pero ok
lng, at least pinapaalanan ako na kelangan ko pa mag aral. Pauwi n kmi,
kaso di pa kami tumatapak sa labas eh bigla nang umulan. Bwiset.
Pagkatapos ng 15 min. eh tumila n rin. Dpat sasabay ako sa kaklase ko
sana kung di tumigil ung ulan, eh tumigil n rin nmn kya lumakad na ko.
Sakay kagad ng jeep papuntang UP.
Tpos na realize ko na mga P50 na lng natitira sa pera ko. Naisip ko n
talagang mahirap na ang buhay. Kailangan na magtipid. Kadalasan
pagdating sa UP eh sasakay nko papuntang Philcoa tpos sakay ng kahit
anong dadaan sa Luzon Ave. Pero dhil nga kailangan na magtipid, naisip
ko na mag aalay lakad n lng ako. Kc kahit papano pede ko naman sundan
ung mga jeep na papuntang Philcoa. Gusto ko sanang hanapin ung exit na
paglabas mo eh may overpass at malapit k n sa Tandang Sora, kaso hindi
na kc bka mawala at makidnap pa ako.
So dun nagsimula ang mahabang paglalakbay papuntang Philcoa. Hindi ako
napagod kc mas nakakapagod pa d2 ung pag mamarching nmin sa training
for officers. Di ko na pinansin ung mga maiitim na ulap na nagbabadya
ng unos.
Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad eh isang waiting shed n lng ako
at andun nko sa daan na puno ng sunflowers, ung parang entrance ng UP
yata. Ewan ko. Hehe. Ah basta, malapit nko sa Philcoa. Palapit nko ng
palapit sa waiting shed. Sa isip ko:
"Yis! Pagkatapos ng wyting shid na ito eh isang milya na lng! Naka save nko ng 5 Pisus!"
Tpos may bigla akong narinig.
Tak.
Tak. Tak.
Taktaktaktaktaktataktaktak.
Lumusob na ang ulan. Walang Hiya. Takbo nko papuntang waiting shed.
Palakas n ng palakas ung ulan. Nakapasok nko sa Waiting Shed. Anlakas
na ng ulan hindi nko makalabas. Para akong binagsakan ng langit. Hindi
ko na alam kung pano ako pa itutuloy ang dakila kong balak na magtipid
ng limang piso. Anlakas na ng ulan sobra. Parang may bagyo.
Biglang may pumarang jeep papuntang Philcoa. Sumulong nko sa ulan at sumakay.
~~~~~~~~
Lumakas pa lalo ung ulan. Ngaun hindi ko n talaga alam kung pano uuwi.
Umikot n ung jeep papuntang philcoa. May pinuntahan ung jeep na lugar
na babaaan pra di kmi mabasa. Buti n lng pumunta yan dun kc kung hindi
eh basa n ang mga sapatos nmin sa baha dun. Pagdating sa Philcoa dko
alam kung paano ako uuwi eh sobrang baha dun sa kalsada. Bumili n muna
ako ng ice cream. Tpos nakakita ako ng pay fone. Tumawag nko sa 'min.
Sbi ko sumnduin ako sa Philcoa d ako makauwi. Sbi tawag daw ulit after
15 minutes tingnan daw kung pede. After 15 mins. tawag ulit ako. Tinext
na daw c Papa kc wala s bahay. Kc nmn andun sa bahay ung kotse alang
magda-drive. Cnabi ko n lng n ok lng try ko n lng umuwi. Tiningnan ko
sitwasyon sa labas. Na realise ko ang tapang ko pla.
Wala p ring pagbabago. Lakas p rin ng ulan tapos sobrang baha sa
kalsada. Linakasan ko n lng loob ko. Lumusong na ako sa ulan papuntang
waiting shed pra makasakay ng jeep. Gbi n nun cguro 630 na. Alam ko na
pagdating ko sa bahay basang sisiw nko. May tumigil n na jeep. Walang
sakay. Sbi ko sakyan ko na. Pagtapak na pagtapak ko sa kalsada
SPLASH!!!
Basa na ung sapatos,medyas,pantalon at paa ko. Buti n lng hindi ako
nandidiri sa pagsuot ng basang medyas. Basa na rin ung polo at katawan
ko. Buti n lng hindi basa sa loob ng jeep. Kaso ang blurry ng windows.
Eh kc nga nmn plastic. Ala akong makita s labas. Dko n alam kung pano
ko malalaman kung bababa nko.
Alam kong malapit nko sa min, kaso hindi ko alam kung papara na ko kc
hindi ko makita ung nsa labas ng jeep kc ang blurry ng windows. Cnabi
ko na lng na bababa ako sa Luzon Ave. Biglang tumigil ung jeep. Alang
hiya, anlayo n pla, prang isang milya. Ano pa ba ang magagawa ko dba
kundi ang bumaba.
Baha rin dun sa pinagbabaan s kin, tpos ala pang silong. Naramdaman ko
ang buong pwersa ng inang kalikasan. Mas lalo pang nabasa ang paa ko,
para akong naglalakad sa dalampasigan. Umakyat n lahat ng dugo ko sa
ulo ko. Biglang handa n akong patayin ung driver
P***** I**** driver walang hiyang walang modong hinayupak na hayuu--
(dko na napansin ung parating na van)
SPLAAASH!!!
Nandun ako s gilid ng kalsada, nakapikit. Pra akong nsa pelikula. Hindi ako makapaniwalang
nangyayari sa akin ang lahat ng ito. Ngaun alam ko na ang pakiramdam ng
talsikan ka ng alon ng tubig sa baha. Walang hiyang van. Naramdaman ko
na galit s akin ang diyos. Oo, galit sa akin ang diyos, kya ko
nararanasan lhat ng ito. Cguro masyado n akong maraming kasalanan kya ko to nararanasan. Oo, ganun nga cguro.
Umakyat
nko ng overpass. Nakayuko ako, nahihiya kc ako sa itsura ko. Para akong
basang sisiw. Pagbabako ng overpass sumakay nko ng trycyle.
Nakauwi n rin ako. Pagdating ko diretso kagad sa bath room. Naligo.
Currently feeling: wet