December 11th, 2007

Win a free laptop this christmas!

Philippine Business

 

Win a Laptop for Christmas - PinoyBusiness.ORG

Posted by yahub at 10:00 PM as a stickied post | didididam

July 14th, 2007

Bday the 18th

Like 10 years na bago ko binuksan ulit tong blog na to. Wahaha.Mark!

=============== 

Anong pers name ni birthday?

eh di Happy! Nyahaha. Hapi Bday...

- Elaine.

==============

Yan. Korni noh? Wahaha joke elaine! Hahahah!

Birthday ko today. YEY! Wala lang. Friday the 13th din. So anu nmn?

==============

4.30 am

Gising. Pinilit ako magsimba ng nanay at tatay ko sa madaling araw. Di ko nga alam kung bakit ako pumayag eh, kasi naantok ako. Xaka nag aalala ako na baka nagse-secrete ng growth hormones ang aking pituitary gland at sayang naman kung matitigil dahil nagising ako. Pero sige nagpagising naman ako.

Sa quiapo kami nagsimba. Hindi ko alam kung bakit gusto nila sa quiapo eh laging andaming tao dun. Siguro nga madaming petition ang natutupad sa kakadasal dun, pero pantay pantay lang naman ang mga simbahan eh, walang favoritism si God. Wahaha. Ang sungit pa nung nagbigay sa akin ng communion.

Ang hirap maging ulirang anak.

=================

Hindi ko alam pero nagloloko ang dsl namin.

So connect, connection becomes disrupted, disconnect, connect again. Rinse and repeat. Bayantel, we're paying for convenience here. Do your thing properly.

=================

Pan Pil 19 class. Na-brought up yung topic na default sex yung babae nung isa kong classmate na mejo [ayoko talaga sabihin kasi sabi ko sa sarili ko magpapakabait na ko pero di ko mapigilan so forgive me] epal [as in nakakainis na pasikat na epal, parang di nag iisip pag nagsasalita.], tapos pinilit na default sex yung babae dahil sa churva chromosome at cheverlyn biology.

Dahil ako ay isang proud graduate ng Soc Sci 3 class ni Maam Holmes, sinabi ko na na-disprove na yun ng kaklase at groupmate kong MBB. Kasi nung ganun din yung napag usapan namin sa class [about default default sex churva] umalma siya at nagpost ng isang article [na honestly hindi ko naintindihan] in response dun sa reading namin na nagsasabing default sex ang babae. Hindi ko lang naexplain sa class namin kung bakit, kasi sabi ko microbio yun eh, di kaya ng powers ko.

[Commercial: link ng article nung klasmeyt ko: http://tech.groups.yahoo.com/group/socsci3wxy/message/151 ]

Tapos ayaw maniwala ni epal klasmeyt. Sinabi pa na di ba daw ang lower animals babae lang sila at higher animals lang ang may sex na lalaki. Hello epal klasmeyt, asexual ang lower animals so in essence wala silang sex. Changa.

So sabi ko post ko na lang yung article ni matalinong klasmeyt from soc sci 3. tpos nagsalita ulit si klasmeyt na churva churva ang x gene ang gumagawa ng lalaki. Another kachangahan, Y gene yun chongeh.

Sori sa lahat ng masasama o nakakapang apak ng tao na salita. In my heart di naman talaga ako galit. :grunt:

=================

6pm na at ako pa lang ang tao sa bahay. Wonder where everyone's gone to.

=================

Si Ayra kilig na kilig sa prof niya sa math. Wahahaha! Sobrang nakakaaliw kausapin pag nagkwekwento tungkol sa prof niya.

Script nila nung kinuha ni Ayra yung number nung prof niya: [as told by Ayra]

Ayra: Sir pwede kunin yung number mo?
Goodlooking Prof: Uhm... Pwede... Pwede ding hinde...
Ayra: [nakalimutan ko na sinabi ni Ayra eh, pero may sinabi siya]
Goodlooking Prof: Eh pano pag kinuha mo yung number ko, eh di wala na akong number...
Ayra: [kilig to the max]

================

Got a new haircut. Wahaha! Nagmukha na naman akong tao.

================

Mga 3-4 beses na akong nagkaka bday na natapat sa friday, so friday the 13th, and if I remember correctly lahat ng instances na yun bumabagyo at nasu-suspend ang classes. Kaya napapa YEY! ako. Pero ngayon ayaw ko na bumagyo kasi naaawa ako sa magsasaka. Di nga bumagyo. Wahahaha! Pero saya pa din.

================

To each his own.

================

Nakita ko si Rystraum nung isang araw. May kasamang girl. Di pa nga ako sure kung xa yun so mejo puzzled siguro yung look ko. Natawa na lang ako kasi siya nga yun. Akala ko kasi nakikipag hide and seek siya wid marians. Hehehe.

================

Balak ko kaninang uminom ng beer bago ng Chem class ko, just for the heck of it. Hello it's my birthday. Xaka assignment ko sa psych na uminom ng isang psycho neurotic drug (e.g. marijuana, ecstasy pills, shabu) na hopefully mag alter ng aming state of awareness [dont worry daw sabi ng prof ko, we wont be judged when we share about our experience] , at beer ang choice ko dahil i love my brain, and i don't like to damage it thank you. pero di natuloy dahil wala ng time bumili bago magchem. Sayang. Gustong gusto ko pa naman siya i-try. Next time na lang siguro. Wahaha!

================

Long exams ko sa econ at acctg next week, sunday pa. Gud luck to me.

Posted by yahub at 10:11 AM | didididam

October 23rd, 2006

game game game!


dahil sa wala akong magawa, ang aking brain ay pinaghibernate ko muna. kaya for the past few days ako'y bumalik sa pagiging gaming junkie. maraming oras ang ginugugul ko sa paglalaro ng aking favorite games sa ps2 as of now, tulad ng radiata stories at ff 12.

pero ayoko pag usapan un. update muna sa mga huling balita sken:

  • tapos na ang sayahin 05 gathering na inorganize naming mga concerned sayahin citizens. buti na lang at kahit papano mga kalahati ang pumunta! whew. super thank u! dpat sa sm kmi, kaso may bomb threat kuno [bleaah] kaya kami'y napadpad sa kaharian ni ronald mcdonald.
  • nakuha ko na grade ko s math. 2.5 ako. huhuhu! ang target ko 2.00 eh. sayang! sa klase nmin(30+ kmi) na math 17, 7 lng kmi na ang grade mas mababa sa 2.00. 7 din ang mga hayop na naka 1.00. tpos may 4 na bagsak.
  • sna mataas GWA ko. kasi kung hindi, baka mapalayas ako ng di oras sa CBA(college ko).
hay. yun lang! mejo haggard ako ngayon after all the tweaks sa layout kaya bye bye muna. maglalaro pa ako eh. kasi 2 kaming nag-aagawan sa ps2 (yung kapatid ko yung isa) kaya maglalaro ako habang tulog xa. hihihi! mamaya n lng ulit.
Posted by yahub at 11:42 PM | didididam

On Dreams

hinga.

[huwaaaaaaaaa.]

bango ng hininga ko noh?
=================
hay.

cnabi sken ng isang hayskul friend ko na kasama ko ngaun sa upd balak niya magshift sa up manila. magkasama cla ng isa ko pang hayskul friend na nsa upd din. kasi mas madali makapasok na intern sa pgh pag galing upm[pangarap nila maging doctors]. pag hindi daw cla nakashift, baka mag UST na lang cla.

so sad. at least for me.
=================
akala ko kasi magkakasama kami sa buong stay namin sa UP. magkasamang haharap sa aming UP days. magkasamang magrereklamo about profs, tres, at posibleng 5.
=================
hay.

naisip ko options ko. kung susunod ako sa kanila dahil ayaw ko maiwan, whether upm cla o ust, kelangan ko mag ust kasi andun ang gusto kong course. which means aalis ako ng up system. pagkatapos malaki ang possibility na umulit ako ng 1st yr kasi iba yung system sa uste at di lahat ng subjects ko macre-credit. so sayang ang 1 year.

or pwede ako mag la salle. kaso ayoko dun. kasi allergic ako sa mga "yo yo wazzup wazzup" pipol.

or pwede ko clang kumbinsihin na magstay sa upd.
=================
pero alam ko naman na di ko rin magagawa yung mga inisip kong options. kaya nga ako naging sad nung narinig ko news nila, kasi alam kong kahit may paraan, di ako sasama. maiiwan ako. kasi alam kong di ko kaya umalis sa cba[college of business administration]. sa parehong dahilan ng kanilang pag-alis.

pangarap nilang mag-doktor. natural lang na gawin nila yung sa tingin nilang makakapagpatupad nun.

ako rin may pangarap. kaya nga ako nasa cba eh. gusto kong yumaman at maging DOM someday. joke! pero gets nio nmn point ko dba?

kanya kanyang dreams na pinag uusapan. hinahabol nila dreams nila, pero kung susundan ko sila, pano na dreams ko?

forte ang medicine ng upm. pati na rin ust. kahit ako pagmagme-med gus2 ko isa dun papasukan ko.

pagdating s business courses, up-cba, ateneo-jgsom at dlsu-cbe ang leading institutions. swerte ako kc nakapasok pko s cba, eh andaming gustong magtransfer dito. ayoko ring magsisi sa huli. xaka kahit mejo nai-intimidate ako s college ko as of now, nakikita ko na ang sobrang galing ng mga kasama ko at ang astig ng orgs. kung mau kelangan ako madevelop, made-develop ko yun dito.
=================
nasa-sad lang talaga ako, pero naiintindihan ko sila. mejo inggit lang ako kc kung matuloy yun lahat ng most closest friends ko nasa u-belt na. kita kits cla dun.

xaka malaking factor yung andyan cla na kasama ko sa up sa pagsurvive ng 1st sem ko. kasi yung times na mukang mababaliw nko at mahuhulog s bangin, sila yung laging kumakapit at hinihila ako pataas.
=================
well. ganyan talaga ang buhay. cguro panahon na na mas maging independent sa independent ako.

time to explore my horizons.

at kung dumating yung oras na nababaliw na naman ako at mahuhulog sa bangin na walang makakapitan,
cguro yun na yung panahon para bumitaw ako...
at lumipad.
Posted by yahub at 11:39 PM | didididam

March 4th, 2006

Mga DD

Gusto kong pumaslang.

Nagsisimula n kming mag train ng officers for nxt yr, pro hanggang ngaun mga ducrots nmin ay slow. Kya tatawagin ko clang DD, mga dumb ducrots. Dhil mas *anga p cla kay Dee-dee. Pag di mo kilala c Dee-dee, DD k n rin.

Nanggigigil ako s kanila. Gusto ko clang balatan ng buhay. Gusto kong i-break open ung mga ulo nila at tingnan kung may utak, kc prang wla. At kung meron man, titingnan ko kung pde isali s world guiness records for world's slowest brain. Ang bgal ng pick up nila my golly.

Lhat ng ginagawa nila ang panget. Ung bilang ang panget. Ung boses ang panget. Ung blue ang panget. Ung bearing ang panget. Ung facings ang panget. Pti face nila panget. Cute lng ung nag oobserve.

Ung iba kpal p ng mukha. Pakiramdam nila pinag tri tripan nmin cla. Heler. Kyo pumasok dito. You can always quit anytime. Di nmin kayo kailangan. Tsaka lhat ng pinapagawa nmin, ginawa n rin nmin dti nung kmi ung nag training. Kya wag nilang sbihin n nang tri-trip kmi bka totohanin ko ung mga pinagsasabi nila.

Hello. Ano b s tingin nila, madaling pumasok s SCL? Sbi nga ng isang co officer ko n itago n lng ntin s kanyang intials n DM: "Bgo cla makapasok papatayin ko muna cla. Pag nabuhay eh di tanggapin ntin." Yan. Ganda ng explanation.

Hello again. Hindi lng basta basta ang SCL. Hindi ito tulad ng MSC n kailangan mo lng eh popularity, o good track record. Legacy toh. Isang bgay n pinagpapasahan hindi lng s kung kanino-kanino, kundi s mga taong talagang pinatunayan n kya nila ung responsibility. Mga taong hindi lng dinaan s ngiti, flyers, posters, at mga kung anu-anong pagpapapansin ang pagka panalo, kundi mga taong nagpakita ng determinasyon at tibay s kbila ng maraming pagsubok. Iilan lng ang nabibigyan ng pagkakataon n maging officer, at ung pagkakataon n yun hindi basta basta binibigay.
Posted by yahub at 12:11 AM | didididam

March 2nd, 2006

Ateneo o U.P.?

Nakuha ko n lhat ng college entrance test results ko.

Pasado naman lahat. Kaso hindi ako maka decide kung saan ako mag-aaral.

Ateneo - Comtech Management

U.P. Diliman - Business Administration

U.S.T. - Accountancy at Mass Comm.

Pinagpipilian ko n lng ngayon U.P. or Ateneo. Ganda kc ng campus at facilities ng ateneo, plus kakaiba ung curriculum nila pagdating s management courses. Tpos U.P. nmn... well, U.P. , self-explanatory n. Isang sem lng s iba pwede mo ng ipantapos ng isang course s U.P.

Tingin ninyo san mas maganda?

Currently feeling: confused
Posted by yahub at 04:23 PM | didididam

August 26th, 2005

Lang Kwents

Ampangit. Di nmn masyadong pangit, pero pangit.

Hindi ko alam ang dahilan, pero ampangit ng field trip ngaun. Last year ko p nmn. Lech. Cguro mas nasiyahan pko nung pumunta kmi s nayong pilipino nung grade 1 ako.

Hindi ko alam kung bkit, cguro kc ang aga, tpos ung mga ka berks ko p nsa ibang section, tpos may aasikasuhin p s physics s enchanted, tpos ang cute ko, tpos batallion supposed to be nmin today, tpos ang walang kwenta rin ng english teacher nmin...

Hay. Bwiset.
Posted by yahub at 08:46 PM | didididam

June 11th, 2005

Away dhil sa ACET

Inaway ako kagabi ng pamilya ko nung nalaman nilang ayaw kong kumuha ng ACET.

Inaway nila ako. As in pinagtulungan. Kinorner. Hindi ko alam kung bakit nila akong gustong mag ACET. Eh naisip ko nmn kc...

>Una: Mahirap ang ACET. Kahit alam kong matalino ako eh may slightest chance p rin n bumagsak ako either dhil mas matalino s kin ng bahagya sa math ang mga ateneans at bka maunahan nila ako sa course na gusto ko.

>Pangalawa: Mahal sa Ateneo. Kung makapasa man ako eh mahirap maging Merit Scholar kc mahirap ang ACET. Pag hindi ako Merit Scholar eh di sobrang laking financial burden un. Mababa p nmn ang ekonomiya ng pilipinas. Sayang lng ung tuition ko eh di sana allowance ko n lng un at pinambili ng bagong celpon. Ihihi. Bukod pa sa tuition, malaki rin ung gastos sa books at ibang school activities dhil halos lhat ng tao dun eh mayaman at un ini-expect ng prof. (yata)

>Pangatlo: Kung maging merit scholar nga ako, mahirap pa rin mag aral dun. Bka di ako maka adjust, di ko pa ma maintain ang grades ko. Bka mamaya biglang masipa ako sa program. 

Bukod pa dyan, ayon sa akong mga nakahalubilo na atenean nung nag review classes ako, ang in-depth research ko ay nagsasabi na 99% sa kanila ay mayayaman. Elite. Naiinsecure pa nmn ako kc alam ko na mayaman lng ako sa talent at brains at hindi sa pera.

Tpos ung karamihan pa sa kanila ay ang pinaka ayaw kong nilalang sa mundo: ang mga konyo. Hindi nmn talaga sa ayaw ko sa kanila, pero pag ung ugali nila eh ung parang hindi tao na hindi natural, dun ako naiinis. Ung parang laging smooth ung dating na nakakarindi. Naiisip ko p lng na ganyang mga tao ung nakapaligid sa kin eh...ewww. yuck.  

 Hay ewan. Whatever happens n lng. Sana UP Diliman n lng ako makapasa.

Posted by yahub at 01:01 AM | didididam
« Newer | »